Reasons
Reasons why I’m not in the mood to do whatever;
1, No salary yet - late na naman ang sahod for the 30th because obviously, October 3 na po, plus 3 days clearing so, late na talaga sya, pero hindi ko sya ma-problema sa dahilang ultimo ang sweldo for the 15th ay wala pa, meaning, isang buwan mahigit na kaming walang sweldo!!! That’s too much, but just like what I’ve said before, I’m not the type who will make drastic decisions without any plan… and as of the moment, no plans yet.
2. Typhoon Milenyo – ang bagyong nag-sadlak na naman sa Pinas sa sanglibo’t isang pasakit. It’s been a long time since Manila experienced a signal number 3 typhoon, nakalimutan ko na nga na ganun nga pala ang tunog ng malakas na hangin, nakakatakot, pagkatapos ng unos, nakahambalang sa kalsada ang mga puno (konti na nga lang sila lalo pang nabawasan) poste ng meralco, mga yero ng bubong ng bahay at kung anu-ano pa. Dahil dyan isa pang nakaka-bagot pero walang choice kundi tanggapin, ay limang araw walang kuryente sa malaking bahagi ng Metro Manila, kasama kami dyan, at kapag walang ilaw, wala ring tubig sa amin, package yan e.. Ngayon meron nang kuryente sa min pero wala pa rin sa iba, hindi pa sigurado kung kailan magkakaron! Isama mo na sa nakakainis ang init dahil walang electric fan (dahil nga walang kuryente) at ang mga pasaway na lamok!
3. Dysmenorea - A pain associated with menstruation, talagang sirang-sira ang weekend ko, ang hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ko every month, lasting for 2 days, pwede namang uminom ng pain reliever pero feeling ko, tumataas na ang dosage ko dahil hindi na sya tumatalab dahil nga madalas akong uminom. Women with the same gynecological disorder could relate. Imagine, sa sobrang sakit nya, nilalagnat ako, and it happens to me every month, kaya kung minsan masungit ako, alam nyo na yun! Idagdag mo pa na kailangan kong bumiyahe from Bambang to Las Pinas, para naman makatulog ng maayos (since may kuryente na sila nung Friday pa lang) pero malas pa rin dahil hindi pa rin ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang sakit. Nung mag-uumaga na ay nakatulog na rin ako, pero ginising naman ako ni ugin (my bunsong kapatid) ng 7 a.m. dahil gising na sya! No choice na naman! Sunday night nag-blow-out si Cousin Tere for her birthday, sea foods from Dampa! Kaso di ko rin masyadong na-enjoy dahil nga masakit! Umuwi kami ng Bambang at naghintay na baka magka-kuryente, at dahil nga wala pa, pumunta kami ng Makati right away para makitulog kay ate Girlie, since may pasok kinabukasan, kailangang mag-recharge, nakapasok naman ako kaso nga lang late! (at wala pa ring sahod!)
4. Money matters – Since walang sweldo, walang pera. Walang-wala na talaga, said na! Birthday ni Wacky sa Saturday at si Ugin sa 12, sana naman by that time may pera na ako, marami pa akong future plans na nangangailangan ng pera!
5. Figure – My aim is to gain weight, bago man lang matapos ang taong ito sana naman ay magkaroon ako ng konting laman-laman, kailangan to para sa future career ko, paano na lng kung mapunta ako abroad at may snow, mabilis akong mamamatay sa lamig kung ganitong payatot ako. Pag ganitong problemado ako, lalo akong pumapayat, nasira na naman ang momentum ko sa pagpapataba!
Now you know why I wasn’t able to blog for some time, and I believe these are valid reasons!
4 Comments:
Yang, I have left a comment but I guess I did not save it. I hope things will be better for you. I heard of the typhoon's devastation. Keep being hopeful.
my gosh, i bet you got your pay already... ive got mine.. but bullshit.. its not even close to pay the money i owe.. fuck!!!!!!!! it is only for the fifteenth and it is in fucking cheque!!!!!!!! damn!!!!!!!!!
Ces, Thanks, as always.
Pucca, Are you angry or something?? :) don't let it eat you girl! Let’s just keep our fingers crossed and smile!
=(
Post a Comment
<< Home